Advertisers
NAGSALITA na si Vice President Sara Duterte tungkol sa pagbitiw niya sa Gabinete ni Marcos: Marami aniyang rason na dapat nang kalasin, at dinenay niya na hindi si First Lady Liza Marcos ang dahilan.
Ayon kay Duterte, mahaba ang paliwanagan sa kanyang naging desisyon, kailangan ng “sit-down discussion” para maidetalye ito.
Ito aniya ay magkahalong personal, at may kaugnayan sa mga trabaho.
“Merong personal sa aming dalawa ni President Marcos which stems from yung napag-usapan namin bago ako pumayag na tumakbong Vice President. Meron siyang trabaho, at meron siyang sa bayan,” sabi niya sa mga mamamahayag. “Hindi siya isang rason lang, nagka buhol-buhol na siya na madaming rason.”
Tungkol kay First Lady Marcos, na kamakailan ay nagpahayag ng kanyang pagka-“bad shot” kay VP Duterte dahil sa pagtawa nito nang tawagin ang Pangulo na “adik” ng kanyang ama (dating pangulo Rody Duterte), hindi raw ito ang dahilan ng kanyang pagkalas sa Marcos administration.
“Wala naman din kinalaman si First Lady sa trabaho namin ni Pangulong Marcos,” diin ng Bise Presidente Duterte.
Si VP Sara kamakailan ay nagpahayag na hindi dadalo sa 3rd State of the National Address ni Pres. Marcos sa Lunes. Sinabi pa niyang siya ang “Designated survivor”.