Advertisers

Advertisers

DFA Sec. Manalo hinamon ni Sen. ‘Tol’ na ilabas ang kasunduan ng China at ‘Pinas

0 17

Advertisers

HINAMON ni Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ilabas ang kasunduan sa pagitan ng China at Philippines.

Ang pakiusap ay ginawa ng senador sa isang media interview matapos ang pagbubukas ng Third session ng 19th Congress.

“Kinukuha ko ang pagkakataon na ito, na ipaabot kay Secretary Manalo, pakilabas yung kasunduan na nilagdaan the between Philippines and China, hindi dapat ito malihim, dapat yun buong pahina ay maging transparent, kasi ayaw naman natin palabasin na tayo ang nakiusap, bagamat ito ay makaka de escalate ng tensyon, na tayo ay sumurrender na, dapat hamon ito sa DFA ilabas nila ang naging kasunduan”, sabi ni Tolentino.



Dagdag pa ni Tolentino, hindi niya alam kung ano ang nilalaman ng nabanggit na kasunduan na nalaman lang niya sa mga balita.

Samantala, tiniyak ni Tolentino na sa ilalim ng kanilang leadership ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero, ay asahan ang mga batas na quality, praktikal at tiyak na tutugon sa pangangailangan ng taumbayan.

Dagdag pa ni Tolentino, who also Chairs the Committee on Maritime and Admiralty Zones, prayoridad na ipasa ang Archipelagic Sea Lane, ang proposed measure na kanyang isinusulong upang magtakda ng daraanan ng mga banyagang barko. (ANDI GARCIA)