Advertisers

Advertisers

Marcos nagpasalamat kay Biden

0 8

Advertisers

NAGLABAS ng pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng desisyon ni US President Joe Biden na huwag nang sumabak sa presidential elections sa Nobyembre ngayong taon.

Ayon kay PBBM, ang ginawang pag-atras ni Biden ng kanyang kandidatura ay pagpapakita ng aniya’y genuine statesmanship.

Nagpasalamat din ang Pangulo kay Biden sa suporta at masalakit nito sa Pilipinas sa panahon ng mga hamon at pagsubok.



Sinabi pa ni Pangulong Marcos na hangad niya ang tagumpay sa nalalabing bahagi ng termino ni Biden at sa lahat ng mga darating na adhikain ng presidente ng Estados Unidos. (Gilbert Perdez)