Advertisers

Advertisers

PBBM binaril na ang POGO

0 17

Advertisers

PINAKINGGAN ni Pangulong “Bongbong” Marcos ang boses ng nakararami na kotra sa operasyon ng kontrobersiyal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Sa bahagi ng kanyang 3rd State of the National Address (SONA) nitong Lunes, July 22, 2024, inatasan ni PBBM ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tuldukan na ang operasyon ng mga POGO bago matapos ang taon.

Ibig sabihin nito, mabait parin si PBBM, binigyan niya pa ng panahon ang mga operator ng POGO para mag-impake palabas ng Pilipinas.



“I hereby instruct PAGCOR to wind down and cease the operations of POGOs by the end of the year,” atas ng Pangulo kay “Al” Tengco, ang chairman ng PAGCOR.

Masyado na kasing perwisyo itong POGO, andaming sakit ng ulo ang ibinibigay sa ating pambansang pulisya.

Oo, naging pugad na ng kriminalidad ang POGO: Rape, human trafficking, murder, torture, kidnapping, scamming, illegal gambling at iba pang heinous crimes ang nangyayari sa POGO.

Ang matindi pa sa POGO na ito, na karamihan ay ino-operate ng Chinese criminals, hindi nagbabayad ng buwis!

Sabi nga ng Departent of Finance (DoF), hindi kawalan ang POGO ‘pag nawala man ito. Konti lang daw ang naiaambag nito sa ekonomiya ng Pilipinas. Mismo!



Ang nakikinabang lang naman kasi ng todo sa POGO ay ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan na nagsisilbing protektor ng sindikatong mga Intsik. Mismo!

Teka, sino ba ang nagdala ng POGO dito sa Pilipinas? Yung “Tatay” ninyo na kumpare ng mga “drug lord” na Intsik!

Sa datus ng PAGCOR, halos 300 ang POGO sa bansa nung termino ni Rody Duterte. Ngayon ay nasa 40 nalang daw sabi ni Tengco.

Binunyag pa ni Tengco ang dating spokesman ni Duterte na si Atty. Harry Roque ang siyang naglo-lobby sa iligal na POGO. Animal!

***

Ngayong ipinaba-ban na ni PBBM ang POGO sa Pilipinas, susunod kaya ang mga siga na POGO na naka-compound sa Island Cove sa Cavite, ang balwarte ni Justice Secretary “Boying” Remulla, at Senador Bong Revilla.

Ang Island Cove kasi ay dating pag-aari ng Remulla. Ibinenta lang nila sa grupo ng mga Intsik, na silang operators ng POGO.

Anyway, nagpahayag na ang utol ni Secretary Boying na si Governor Jonvic Remulla na wala silang pakialam sa POGO sa Island Cove. Wala raw silang share kahit singkong duling dito. Ganun?

Naghamon pa nga si Gov. Jonvic na magbibigay siya ng milyones na pabuya sa sinomang makapagpapatunay na sangkot sila sa POGO sa Island Cove.

Say mo, Mr. Wong?

***

Sa pagpapasara sa POGO, marami-rami ring Pinoy ang mawawalan ng trabaho. Kaya dapat mabigyan sila ng trabaho ng gobyerno or else isusumpa nila si PBBM. Hehehe…

Higit na iiyak dito ang mga politiko na “milking cow” ang POGO. Mag-eeleksyon pa naman Araguy!!!