Advertisers

Advertisers

Kapaguran ng QCPD atbp sa SONA 2024, hindi nasayang

0 11

Advertisers

Hindi nasayang ang ginawang paghahandang ng STG Quezon Security Coverage sa katatapos na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., ito ay dahil sa napanatili ng grupo ang katahimikan at kaayusan ng kaganapan sa kabila ng kaliwa’t kanan kilos protesta o rally na isinagawa ng iba’t ibang grupo ng militante sa kahabaaang ng Commonwealth Avenue, Quezon City.

Nagawang mapanatili ang kaayusan at katahimikan makaraang ideklara rin ni Police Brig. Gen. Redrico A Maranan, District Director ng Quezon City Police District (QCPD), na generally peaceful ang SONA 2024 na ginanap sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Maayos ang lahat dahil sa epektibo ang pinairal na seguridad ng kapulisan at ang district’s extensive contingency planning.



Ang comprehensive contingency plan ng QCPD para sa SONA 2024 ay kinabibilangan ng strategic deployment ng personnel, paglalatag ng mga checkpoint sa iba’t ibang sulok ng Quezon City, at implementasyon ng thorough traffic rerouting plan para maiwasan ang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa kapaligiaran ng Batasan Pambansa sa pakikipagkoordinasyon sa Quezon City government’s Law and Order Cluster, Metro Manila Development Authority (MMDA), at sa iba’t ibang local government agencies.

Wala naman naitalang masasabing major incident sa kaganapan bunga ng pagseguro ng seguridad ng may 3,591 QC personnel na ikinalat sa lugar.

“I want to express my heartfelt gratitude to all the members of STG Quezon for your outstanding efforts in ensuring the successful security coverage of SONA 2024. Your dedication and professionalism have kept our community safe and peaceful. I want also to extend my heartfelt gratitude to the Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) headed by Mayor Hon. Joy Belmonte, to the Chief, PNP, PGen. Rommel Francisco D Marbil , our Regional Director NCRPO, Police Major Gen. Jose Melecio C Nartatez, Jr., for their unwavering support, guidance, and wisdom that contributed greatly to this success. Nais ko ding pasalamatan ang ating Department of Public Order and Safety, Traffic and Transport Management Department (TTMD), Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), and other uniformed agencies including Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), and Philippine Coast Guard (PCG), for their collaborative efforts which greatly contributed to the success of this event,” pahayag ni Maranan.

Sa QCPD at sa iba pang bumubuo ng STG Quezon Security mula sa iba’t ibang distrito ng kapulisan sa NCR maging sa BFP, BJMP, Coast Guard, Philippine Army, MMDA, saludo ang bayan sa inyong pagbibigay seguridad, kaayusan at katahimikan sa lugar kung saan ginanap ang ika-3 SONA ni Pangulong Marcos Jr. Hindi nasayang ang inyong kapaguran sa paghahanda bago ang SONA.

Congratulations!