Advertisers

Advertisers

35 pamilya binaha na, nasunugan pa

0 4

Advertisers

Dobleng kalbaryo ang sinapit ng 35 pamilya sa Taytay, Rizal nang masunugan ang mga ito noong Sabado ilang araw lang makaraang salantain ng baha dulot ng bagyong Carina.

Ayon sa report ng Taytay police, nagsimula ang sunog 4:00 ng hapon sa loob ng Valle Compound sa Brgy. San Juan.

Agad nagresponde ang mga tauhan ng BFP Taytay at mabilis na nakontrol ang sunog ng  4:50 ng hapon hanggang tuluyan itong ideklarang fire-out ganap 5:48 ng hapon.



Wala naman nasaktan sa sunog pero 35 pamilya ang naapektuhan.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa pinagmulan ng sunog na hinihinalang nag-ugat sa mga grounded na linya ng kuryente na naapektuhan ng pagbaha sa lugar noong Miyerkoles at Huwebes.