Advertisers

Advertisers

Baby pisak sa nagdeliber ng ayuda

0 4

Advertisers

Nasawi ang isang taong-gulang na batang lalaki nang masagasaan ng rescue vehicle na may dalang mga relief goods sa Buenavista, Quezon noong Sabado.

Ayon sa report ng Buenavista police, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Barangay Sabang Piris sa nasabing bayan 9:00 ng umaga.

Sa imbestigasyon na kasama ng biktima ang kanyang ate na tumatawid sa kalsada nang mahagip ito ng Toyota Hilux pick up na rescue vehicle ng Buenavista local government unit.



May karga umanong mga relief goods ang sasakyan para ideliber sa lugar.

Agad na dinala ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang biktima sa ospital pero idineklara itong dead on arrival ng doktor dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, kinostudiya naman ng pulisya ang 36-anyos na driver ng pick -up na kinilala sa alyas na Jayson habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.