Advertisers
Patay on the spot ang isang motoristang babae at malubha naman ang kanyang kapwa babaeng kasama nang masapol sila ng kidlat habang hinintay nilang tumila ang ulan sa isang waiting shed sa gilid ng highway sa Barangay Kayaga sa Pandag, Maguindanao del Sur nitong Linggo, July 28, 2024.
Kinilala ang nasawi na si Yvonhy E. Magalso.
Patungo sana ang dalawang biktima sa Tacurong City, Sultan Kudarat mula sa bayan ng Carmen sa probinsya ng Cotabato, na magka-angkas sa isang motorsiklong Suzuki Raider 150, ng abutan ng ulan kaya sila tumigil at nagpasilong sa isang roadside waiting shed at habang nandoon nasapol ng kidlat.
Agad na nasawi si Magalso sa naturang insidente, ayon sa mga hiwalay na mga ulat ni Lt. Ernesto Rivera, hepe ng Pandag Municipal Police Station, at ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.
Agad namang isinugod sa hospital ang kasama ni Magalso ng mga kasapi ng Pandag police force at ng mga barangay officials sa Kayaga upang malapatan ng lunas.