Advertisers
Advertisers
Advertisers
Nasunog ang gusali ng isang kilalang mall sa Maynil anitong Lunes ng umaga.
Sa inisyal na impormasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang eksaktong lokasyon ng sunog sa likod ng Lucky China Town, subali’t ang partikular na nilalamon ng apoy ang ika-apat na palapag ng Lucky Chinatown Mall Museum.
Iniakyat sa unang alarma ang sunog na nagsimula ng 7:13 ng umaga kung saan sinisikap na apulahin ng mga bumbero ng BFP at fire volunteers na nasa lokasyon ang pagliyab.
Hindi pa natutukoy ang sanhi ng sunog ngunit naniniwala ang ilang mga kawani ng Bureau of Fire Protection na electrical ito.(Jocelyn Domenden)