Advertisers

Advertisers

Lumubog na MTKR Jason Bradley, may leaks – PCG

0 1

Advertisers

Nakitaan na ng leaks ang isa pang motor tanker na MTKR Jason Bradley, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo.

Kinumpirma rin ng PCG na lumubog ang barko sa karagatan bahagi ng Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan noong Sabado ng hapon.

Ang 39-meter motor tanker ay may kargang “diesel cargo” na hindi pa tiyak ang dami taliwas sa ulat ng shipping company na walang kargamentong sakay ang barko.



Ang MTKR Jason Bradley ay lumubog sa lalim na siyam na metro, sa maputik na 600 yarda ang layo mula sa dalampasigan o humigit-kumulang kalahating kilometro mula sa baybayin ng munisipalidad ng Mariveles.

Pinigilan ng mga diver ng Coast Guard ang pagtagas, dahil ang PCG response team ay kumikilos na ngayon sa pag-alis ng diesel cargo sa tulong ng isang nakakontratang salvor.

“An investigation will commence after safely recovering the cargo to avoid negative impacts on the marine environment and nearby coastal communities,” giit ng PCG. (Jocelyn Domenden)