Advertisers
Arestado ang isang tulak ng droga sa Caloocan nitong Linggo ng umaga.
Sa ipinadalang ulat kay Caloocan police chief PCol. Jady Doles, 6:48 ng masakote ang suspek sa Nadurata Street, Barangay 18, Caloocan City.
Ayon kay Doles, nagkasa ng buy- bust operation ang mga Operatiba ng OCOP-DEU, CCPS na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek na si alias ” Jun”.
Nasamsam ang 15 grams ng shabu na may Standard Drug Price na P102,000.
Sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek.(Beth Samson)