Advertisers

Advertisers

P6.352 Trillon para sa taong 2025 pormal ng tinanggap ni House Speaker Romualdez mula sa DBM!

0 17

Advertisers

Pormal na Tinnggap ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kopya ng National Expenditure Program na P6.352-trillion para sa taong 2025 mula Kay Department of Budget and Management Secretary Amennah Pangandaman.

Ang panukalang budget sa susunod na taon ay mas mataas ng P585 billion sa kasalukuyang P5.768 trillion.

Ang NEP ay may temang Agenda for Prosperity: fulfilling the needs and aspirations of the Filipino People.



Ang naturang panukalang budget ay nakatuon sa agenda ng administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr. para sa pagkamit ng economic at social transformation at ginagabayan ng Philippine Development Plan 2023-2028.

Ang panukalang budget ay nagkakahalagang P6.352 Trillion na katumbas ng 22 porsyento ng GDP ng bansa, mas mataas ito ng 10.1 percent mula sa kasalukuyang budget na P5.768 Trilyon.

Ayon Kay Sec Pangandaman, ang panukalang 2025 budget ay nakatuon para sa promosyon ng holistic development at inclusive sa lahat ng sektor.

Ang sektor ng edukasyon ang siyang top priority n may alokasyon na P977.6 Bilyon, pangalawa ang public works na pinaglaanan ng pondong 900 Bilyon.

Health, 297.6 Bilyon, Interior and Local Government P278.4 Billion, Defense P256.1 Billion, Social Welfare P230.1 Billion, Agriculture P211.3 B, Transportation P180.9 B, Judiciary P63.6 B, DOJ P40.6B.



Samantala pinangako ni Speaker Romualdez na ang nasabing budget para sa 2025 ay malalagay sa mga importanteng bagay kung saan sinabi nito na kanila itong babantayan nang sa gayon ay hindi masayang at hindi mapunta kung saan saan. (Cesar Barquilla)