Advertisers

Advertisers

SEN. GO SA PNP: ‘WAG MAGPAGAMIT!

0 14

Advertisers

Nakiisa at nakisimpatiya si Senator Christopher “Bong” Go kay Vice President Sara Duterte na ngayo’y dumaranas ng harassment matapos tanggalan ng 75 PNP personnel bilang security team ng Office of the Vice President.

“As vice chair of the Senate committee on public order and a citizen of this nation, I am deeply concerned about recent incidents involving our Philippine National Police,” ani Go patungkol sa naging utos ni PNP chief, Gen. Rommel na alisin ang mga pulis na nakatalaga bilang security personnel ng OVP.

Ipinaalala ni Go sa liderato at sa buong hanay ng Pambansang Pulisya na manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin at huwag magpagamit sa anumang pulitikal na agenda.



“Tulad ng aking sinabi sa DSWD sa pamimigay ng ayuda at maging sa ginagawa ngayon ng kapulisan: Huwag maging selective! Huwag haluan ng pulitika! Gawin lang ang tama nang walang pili at walang pinapanigan!” ani Go.

Sinabi ng senador na laging buo ang kanyang suporta sa mga uniformed personnel, noon pa man hanggang ngayon, ngunit dapat umiwas ang PNP sa panggagamit at pang-aabuso ng iilang personalidad para mang-harass.

“Bilang mambabatas, patuloy kong ipinaglalaban ang karapatan at kapakanan ng mga pulis na tapat sa tungkulin,” anang senador.

Ipinaalala niya na noong administrasyon ni dating 0angulong Rodrigo Duterte ay sinikap nating maisakatuparan ang pagtaas ng suweldo ng uniformed personnel, kasama na ang mga pulis, bilang pagkilala sa kanilang serbisyo at sakripisyo.

“Ang lagi kong payo sa mga pulis, be professional and just do what is right—proteksyunan ninyo ang buhay ng bawat Pilipino at gampanan ang tungkulin nang naaayon sa batas! Dapat manatiling propesyunal at tapat sa sinumpaang tungkulin ang ating mga alagad ng batas alang-alang sa bayan,” sabi pa ng senador.