Advertisers
Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente sa bayan ng Carmen sa Cebu kung saan pinapakain umano ang mga tuta sa ahas at bayawak.
Sa video na hawak ng mga awtoridad, makikita ang mga tuta sa loob ng kulungan ng ahas at bayawak.
Base sa inisyal na impormasyon mula sa isang concerned citizen, ini-upload ang video sa isang social media page na sinasabing naghahanap ng maamong tuta na ipakakain sa alagang reptiles.
Inihayag ng Carmen tourism office na natukoy nito ang uploader na
iniimbestigahan upang malaman kung ang indibidwal na ito ang may-ari ng video at kung naganap ang insidente sa bayan.
Inihayag pa ng Carmen tourism office na hindi nito kukunsintihin ang ilegal na aktibidad na ito.
I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.