Advertisers

Advertisers

Wanted bulagta sa ‘warrant of arrest’, 2 pulis sugatan

0 12

Advertisers

Nasawi ang isang lalaki na wanted habang 2 pulis ang sugatan nang manlaban ang una nang aaretuhin sa San Juan Batangas, Linggo ng umaga.

Kinilala ang  napatay na suspek sa alias Alberto, ng Brgy. Bulsa, San Juan Batangas na wanted sa kasong Illigal Possession of Firearms at Illigal drug.



Samatala, nagpapagaling na sa ospital ang 2 sugatan pulis.

Sa report, 6:00 ng umaga ng maganap ang engkwentro sa  Sitio Kambingn, Brgy. Bulsa, San Juan Batangas.

 Nabatid na maghahainng “Warrant of Arrest” sa kasong paglabag sa RA 8294 at RA 0165  laban sa suspek na ipinalabas n  Hon. Rose Marie J. Manalang-Austria, ng RTC Branch 87  noong Jan. 26, 2023 ang mga elemento ng Regional Special Operation Unit Regional Intelligence  Division 4A at Regional Mobile Force Battalion.

Nang mamataan ng suspek ang papalapit mga pulis pinaputukan ang mga operatiba dahilan upang gumanti ng putok.

Makalipas ang ilang minuto itinaghal na bangkay ang suspek nang tamaan ito ng bala sa katawan at nagresulta ng pagkakasugat ng 2 pulis.



Agad na dinala ang 2 sugatan pulis sa ospital upang malapatan ng lunas sa tinamong tama ng bala sa katawan.(Mark Obleada)