Advertisers
PATAY ang mag-asawa nang pagpapaluin ng tubo ng katrabaho nang magtalo sa kanilang trabaho sa Sto. Thomas, Batangas, Linggo ng gabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Edgardo, 22 anyos; at Kathleen, 19, caretaker at naninirahan sa Sitio, Capos, Barangay San Rafael, Sto. Tomas.
Nadakip ang isa sa mga suspek na si alias “Jano”, 30, ng nasabi rin lugar; habang pinaghahanap pa ang isang alias Toto.
Sa report, 8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Sito Capos.
Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek kaugnay ng kanilang trabaho hanggang sa naging mainitan ang pagtatalo ng mga ito at bigla dumampot ng tubo ang salarin at pinagpapalo ang mag-asawa hanggang mapatay ang mga ito.
Dinala ang mga biktima ng salarin katulong yung Toto sa bulubunduking lugar sakop ng Sitio Capos kung saan itinapon ang bangkay ng mag-asawa.
Sa follow-up operation, nadakip ng mga otoridad si Jano, habang pinaghahanap pa si Toto.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na inggitan sa trabaho ang motibo ng pagpatay sa mag-asawa. (Mark Obleada, Koi Laura)