Advertisers

Advertisers

YAMSUAN NO. 1 PARIN SA PARAÑAQUE DISTRICT 2

0 14

Advertisers

NANANATILING numero uno na pipiliin ng mga botante si Congressman Brian Raymund Yamsuan bilang kinatawan sa Kongreso ng Parañaque District 2 sa darating na halalan sa 2025, ayon sa pinakahuling survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Ayon sa Boses ng Bayan voters’ preference survey ng RPMD, lumaki pa lalo ang nilamang ni Yamsuan sa kanyang mga potensyal na kalaban sa pagka-congressman ng Parañaque 2nd District.

Nakakuha ng 55 porsyentong suporta si Yamsuan sa survey na isinagawa mula July 1 hanggang July 10. Tumaas ang suporta ni Yamsuan ng 13 percentage points mula sa dati nitong nakuhang 42 percent nang magsagawa ng survey ang RPMD noong Marso ng taong ito.



“Muli akong nagpapasalamat sa matibay na suportang patuloy na pinagkakaloob ng mga kapwa ko Parañaqueño sa 2nd District. Ang inyong tiwala at suporta ang nagbibigay lakas at inspirasyon sa akin na patuloy na maghatid ng de-kalidad na serbisyong karapat-dapat na maibigay sa mga Parañaqueño,” ani Yamsuan.

Ilan sa mga programa at proyekto ni Yamsuan sa Parañaque ay ang kanyang Extra Rice Program, Sustainable Livelihood Program, Sports Facilities Improvement Program, medical missions sa mga barangay, at pamamahagi ng mga school supplies sa mga elementary at high school students sa public schools.

Sa paghagupit ng supertyphoon Carina, agad na kumilos si Yamsuan at ang kanyang team upang agarang makapagbigay ng relief goods at magsagawa ng mga feeding program para sa mga evacuees ng mga binahang barangay sa Parañaque.

Lumawig pa lalo ang lamang ni Yamsuan sa July survey laban sa kasalukuyang Parañaque District Cong. Gus Tambunting, na nabawasan ng 10 porsyento ang suporta. Kaya ang nakuhang 35 percent ni Tambunting noong Marso ay naging 25 percent na lamang ngayong Hulyo.

Si Councilor Rico Golez naman na may 12 percent noong Marso ay 8 percent na lang ang nakuha nitong Hulyo, samantalang ang bagong pasok sa survey na si Josef Maganduga ay nakakuha ng 6 percent.



Ang July survey ng RPMD ay may 1,200 respondents. May margin of error ito na 3% at confidence level na 95%, ayon kay RPMD Executive Director, Dr. Paul Martinez.

Bilang kinatawan sa kasalukuyang Kongreso ng Bicol Saro, napanatili rin ni Yamsuan ang Top 2 ranking nito sa RPMD survey ng mga Top Performing Partylist Representatives.

Bagama’t unang term palang niya bilang kongresista, nakakuha si Yamsuan ng mataas na 89.4 percent sa survey na isinagawa mula June 1 – June 10.

Bukod riyan, tinanghal rin si Yamsuan ng RPMD bilang Outstanding Public Servant para sa taon 2023.