Advertisers

Advertisers

33 Chinese, kasama ang isang sanggol, ipina-deport ng PAOCC sa NAIA

0 13

Advertisers

Umabot sa kabuuang 33 Chinese nationals, kabilang na ang isang sanggol, na diumano ay sangkot sa illegal POGO activities sa lungsod ng Pasay ang idineport ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) pabalik ng China.

Ang mga deportees ay ineskortan ng mga tauhan ng PAOCC, PNP Aviation security group at mga tauhan ng Chinese Embassy.

Sakay ang mga Chinese nationals ng PAL flight PR-336 patungong Xiamen na lumipad ng 11:15 ng umaga.



Ayon kay PAOCC Usec Gilbert Cruz, pino-proseso pa ang iba pang mga Chinese na sangkot sa illegal activities para sa kanilang deportation pabalik ng China.

Malaki na rin anya ang nagagastos ng gobyerno sa mga Chinese lalupa’t hindi sila pwede pabayaan dahil na rin sa kanilang karapatang pantao.

Dagdag pa ni Cruz, tuloy- tuloy ang kanilang pagsugpo sa mga illegal POGO hubs kung saan kadalasan sila ay nasasangkot sa iba’t- ibang krimen, na isa sa malaking pinoproblema ng gobyerno.

Ang mga nasabing POGO workers ay hindi kino-consider na biktima sa kanilang bansa, bagkus, sila ay itinuturing na mga scammer na nambibiktima ng kapwa nila Chinese at iba pang dayuhan. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">