Advertisers
HALOS umabot sa Php 8 milyon pisong halaga ng illegal drugs na nadiskubre mula sa tatlong abandonadong kargamento ang nasabat ng Bureau of Customs-Port of NAIA at NAIA PDEA-IADITG sa isang bodega ng Central Mail Exchange Center sa lungsod ng Pasay.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni BOC-Port of NAIA District Collector Atty. Maria Yasmin Obillos Mapa, unang naharang ng Customs examiners ang parcel na idineklarang ‘collectible camera film roll’ na ipinadala ng ABH Studios mula California, USA kung saan ay nakapangalan kay Eliazar Nace ng Cebu City. Ito ay nadiskubreng naglalaman ng 96 boxes ng cartridge marijuana oil na may standard drug price na aabot sa Php P5,760.00.
Ang pangalawang kargamento ay idineklarang ‘womens tshirt’ na pinadala ng Linda Kim mula CA,USA na naka-consignee naman kay Julies Rivera ng Bacolod City, Negros Occidental kung saan nakalagay ang plastic bag na naglalaman ng Marijuana (Kush) na timbang na 468 grams at may standard drug value ng Php655,200.00
Ang pangatlong parcel na idineklarang “Cloths & Dener stone” na nagmula naman sa Pakistan na nakapangalan kay Erin Jane De Asis ng Naga City, Camarines Sur. Ito ay naglalaman ng 957 grams na hinihinalang shabu na may standard drug value of Php6,507,600.00.
Ang mga nasamsam na illegal na droga na may kabuuang halaga na aabot sa P7,738,800 ay naiturn-over na ng customs sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)