Advertisers

Advertisers

Sektor ng agrikultura nagpasalamat sa pag-apruba ng ASF vax

0 4

Advertisers

Nagpahayag ng kagalakan at pasasalamat ang mga sektor ng agrikultura nang ianunsiyo ng Food and Drug Administration (FDA) na naglabas na sila ng Certificate of Registration para sa bakuna sa African Swine Fever (ASF).

 



Ayon kay Rep. Nicanor ‘Nikki’ Briones, na bilang Chairman ng Pork Producers Federations of the Philippines,Inc., at Presidente ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines o AGAP Partylist, na natutuwa ang kanilang sektor sa magandang balitang ito na pinahayag ng FDA na mayroon nang gagamiting bakuna laban sa ASF at pasado na ito sa pagsusuri.

 

Ayon pa kay Briones na bagama’t ang ASF, hindi nagdudulot ng banta sa kalusugan ng tao, nakapipinsala naman ang epekto nito sa mga baboy, na may isang impeksiyon na kayang lipulin ang isang buong kawan.

 

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na magsisimula na sila sa pagpapakalat sa nasabing bakuna sa mga apektadong lugar.



 

Ayon pa kay Laurel, 150 thousand na bakuna ang agad nilang dadalhin sa mga Red Areas ng ASF partikular sa mga lalawigan ng Batangas at Mindoro na sisimulan sa susunod na buwan.

 

“Malaking tulong po ito at matagal na pong hinihintay ng mga sector ng pagbababuyan at ang pagkakaalam ko po, libre ito at iyon ang isang malaking pag-asa na dumating sa ating mga magbababoy na matagal nang pinapahirapan na ASF at alam ko na aabot sa 600,000 baboy ang pwedeng bakunahan ng libre na nagkakahalaga ng P350 million ang budget. Ibig sabihin naglalaro ito between P550 to P600 ang halaga kada dose,” pahayag ni Cong. Briones.

 

Bagama’t limitado parin aniya sa ngayon ang supply libre namang ibibigay ng DA ang bakuna laban sa nasabing sakit.

 

Bahagi ng kabuuang 600k na bakuna na magmumula sa Vietnam ang 150 libong bakuna na unang ipamimigay ng Agriculture Department.

 

Sinabi ni Briones na wala pa silang nakikitang  magiging epekto nito sa presyuhan ng baboy dahil libre pa itong ipagkakaloob subali’t kung sa mga darating na araw kung ipapa-shoulder sa ating mga hog raiser, backyard o commercial raisers ang kada dose ng bakuna sa mga alagang baboy posibleng tumaas ang presyo ng mga bilihing baboy sa merkado.

 

Pero kung mainganyong muli ang ilang dating magbababoy na bumalik sa pag-aalaga ng baboy posibleng tumaas ang supply at bumaba ang presyo ng baboy sa merkado.

 

Samantala, tiniyak naman ng Department of Agriculture (DA) na naglaan ito ng P350 milyon para sa pagbili ng mga bakuna.

 

Sasailalim sa controlled rolled-out na pangasiwaan ng Bureau of Animal Industry ang mga bakuna, kabilang ang mga mula sa Vietnam.

 

Nagpapasalamat ang sektor ng magbababoy  sa kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong Marcos, Jr., at Sec. Kiko Laurel dahil napagkalooban sila ng libreng bakuna lalong lalo na iyong ating mga backyard raisers na lubhang naapektuhan ng nasabing outbreak.

Muli humilihiling ang sektor ng magbababoy na sana isunod naman ng pamahalaan ang bakuna laban sa birds flu.

Kailangan din ng mga nasa sector ng poultry na mga pangitlugang manok at broiler na magkaroon ng mabilisang bakuna para naman sa bird flu para maiwasang magkaroon ng problema sa supply ng itlog,” wika pa ni Rep. Nikki.

 

“Inumpisahan nila na magbigay ng libreng bakuna sana lahatin nila iyong backyard at commercial na buong populasyon ng baboy sa bansa. Magiging malaking tulong ito para sa mga ating hog raisers para magkaroon sila ulit ng lakas ng loob na mag-alaga at magparami. Lalong malaking tulong ito sa ating mga consumers, mamili dahil pwedeng bumaba ang presyo ng baboy kapag dumami ang supply ng ating karneng baboy sa ating bansa. Bababa ang presyo makikinabang ang mamimili o pamilyang Pilipino sa ating bansa, ” pagwawakas ni AGAP Rep. Briones.