Advertisers

Advertisers

Drug pusher, arestado sa P374K shabu sa Caloocan

0 19

Advertisers

Timbog ang isang drug suspect na itinuturing bilang “High Value Individual” (HVI) nang makuhanan ng mahigit P300k halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City Linggo ng gabi.

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta umano ni alyas Ali, 53, ng ilegal na droga kaya isinailalim nila ito sa balidasyon at nagpositibo.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P30,000 halaga ng droga at agad pinosasan ng makabili at tanggapin ng suspek ang isang P1,000 bill na may kasamang 29-pirasong P1,000 boodle money mula sa isang operatiba na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu alas-10:16 ng gabi sa Block 14 Corner Kaagapay Road Brgy.,188.



Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 55 grams ng shabu na may standard drug price value na P374,000, buy bust money at P3,700 recovered money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)