Advertisers
Ni Archie Liao
KAUGNAY ng reklamo ng pangmomolestiya na isinampa ng kampo ni Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA Network, muli na namang nabuhay ang isyu ng exploitation at sexual harassment sa showbusiness.
Ito ay may konek din sa naging panawagan ng Kapuso broadcaster at journalist na si Arnold Clavio na magsalita ang sinumang biktima para mawakasan na ang nasabing kultura ng panggagahasa o sekswal na pang-aabuso sa industriya.
Dahil dito, may mga pa-woke namang nagsabing hindi lang naman sa showbiz talamak ang ganoong pangyayari kundi sa iba pang workplace.
May mga humirit pang hindi lang naman sa GMA-7 nangyayari ang ganoong mga eskandalo kundi maging sa ibang network din.
Sa isang portal, naungkat ng kibitzers ang kaso ng iba pang personalidad na biktima rin umano ng sexual harassment tulad nina Gerald Santos, Gretchen Fullido at ex-PBB housemate Rhys Miguel.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Sounds familiar. Di ba, nangyari na rin iyan kay Gerald Santos. Pero noong pumiyok siya, siya pa ang nawala sa Kapuso.”
“Look at Gretchen Fullido. Umalma rin siya sa dalawang executives na kinasuhan niya ng sexual harassment.”
“Iyong taga-PBB na si Rhys Miguel, nag-ispluk na pinagsamantalahan siya ng singer-actor na si Patrick Quiroz. Pero, ano na ang nangyari?”
“Hindi lang naman sila ang biktima ng sexual offenders. For sure, may iba pa. Iyong iba, ayaw lumantad dahil natatakot.”
“Hindi lang takot kasi bukod sa kahihiyan, mawawalan sila ng career.”
“Meron ngang mga kilalang actor na ikinakama ng gay exec kapalit ng projects at kasikatan, ano?”
“Sa atin parang double standard. Ang babae pag umamin, may simpatiyang nakukuha pero pag lalake, minsan parang pinagdududahan pa.”
“Ano na bang nangyari sa mga kasong iyan? Di ba, wala rin namang nangyari. Kasi, it’s either, naareglo o kayaý wala ring ginawa ang management.”