Advertisers

Advertisers

Vilma iiwan muli ang showbiz sa pagtakbong Batangas governor

0 16

Advertisers

Ni Jimi Escala

ANG Star for all Seasons Vilma Santos-Recto ang featured celebrity para sa Cultural Wednesdays ng Dept. Of Foreign Affairs. Punung-puno ang bulwagan ng DFA and lahat ay namimigay sa mga ibinabahagi na experience ni Ate Vi sa Philippine Film industry at yung mga karanasan niya na naging dahilan kung bakit narating ang kinalalagyan niya ngayon na pangarap siyempre ng lahat ng nasa industriya na at sa mga nagbabalak pang pasukin ang showbiz.

“Well, sharing my experiences sa mga new blood. Hindi rin naman biro ang dinaanan ko na willing akong i-share kaya ako nandito,” bungad pa ni Ate Vi after her more or less two hours speech sa harap ng mga executives and employees of DFA.



“In my more than 6 decades I started young pero hindi rin biro ang dinaanan ko sa industry.

“Hindi ito overnight na bigla for Star for All Seasons bigla, sweat and tears din naman ang puhunan ko.



“Learning process at utang ko rin sa mga directors, colleagues and a lot of people and things para mabuo ka at abutin mo Ito,” dugtong pa rin ng pinakasikat na aktres among her contemporaries, huh!

Ano ba talaga ang sekreto ni Ate Vi? Kumbaga, lahat halos ng mga kapanabayan niya ay hindi na aktibo at maski na yung mga naging karibal niya ay medyo timiklop na ang ningning ng mga Ito at bukod tanging ang isang Vilma Santos na lang ang namamayagpag. Career, personal life, pulitika ay numero uno ang isang Vilma Santos, huh!



“Secret? Well, love your career and your career will love you yun lang,” maikling tugon pa ni Ate Vi.

Katunayan pa rin na nag-number one sa Netflix ang movie niyang “When I Met You In Tokyo”.

Ano ang pakiramdam ng isang Ate Vi?

“Well, so very happy and I’m very proud of this movie. Maaring sabihin na it’s a very simple movie. Pero ang importante dito, eh, yung message ng pelikula. “Kumbaga kung nakuha mo yung message mo ng movie panalo na kami. “Ito yung forgiveness, hope, second chances, how important love is, family values, kung panoorin mo talaga yung movie ang importante lang doon yung nakuha mo yung mensahe at sa story andun lahat and for that I am very proud.

“Kaya doon sa hindi pa nakapanood at makakapanood pa I asked them to watched them again,” lahad pa rin ng most awarded actress hanggang ngayon.

***

Still on Ate Vi, kaliwa’t kanan ang offers ngayon sa original grand slam actress to do a movie plus yung offer to do a TV shows.

Sa dami ng lumabas na gagawin niya na projects including a sitcom with Luis Manzano, ano ba talaga ang uunahing gawin ni Ate Vi?

“Alam mo sa totoo lang I am blessed. Maraming good offers kaya lang hindi ko naman kakayaning gawin lahat.

“Naniwala ako in perfect time. Ayoko naman yung basta makagawa ako ng pelikula okey na.

“Nasa point ako ng career ko ngayon na I will do a movie na I knew it will challenge me again. At this point in time hindi ko naman kayang sumunod sa kanila na kailangan may movie ka na pang MMFF na kailangan makagawa ka ng pelikula, not anymore.

“Modesty aside, naka-graduate na naman ako doon kung gagawa ako ng movie, yun ang gusto kong gawin it will inspire me and challenge me for another character, “ sey pa ng multi awarded actress.

Kalat na kalat na tatakbo siyang muli bilang governor sa Batangas does it mean na iiwan niya muli ang showbiz at papasukin muli ang pulitika?

“Well I am still waiting for a sign and praying for it and if ever given a chance I won’t mind serving Batangas again,” sambit pa ng the one and only Star for All Seasons.