Advertisers

Advertisers

SB19, Xonara, J2X magsasama sa first music festival

0 27

Advertisers

Ni Beth Gelena

Sa pangunguna ng SB19, magsasama sa One Zone Fest ang mga artist ng 1Z roster, kabilang ang Xonara at J2X, para sa dalawang araw na festival na gaganapin sa Oktubre 24 at 25, 2026.

Ayon kay Pablo ng SB19, “Isa sa gusto namin, for the first time, magsama-sama buong roster ng 1Z. Very great artists and talented artists. Magkaroon din kami ng creative collaborations here.”



Dagdag pa niya, “What we want to do for this festival is bridge cultures. In the future, we will be inviting [international artists]. It is an exchange of music and culture na puwede naming dalhin sa bansa.”

He added that the festival aims to give fans an opportunity to experience music from different parts of the world.



“Para sa fans, para ma-experience nila iba’t ibang music sa ibang parte ng mundo,” sambit pa ni Pablo.

Ayon pa sa leader ng SB19, “Pinag-uusapan na as a company and within SB19. Since lumalaki na, nagka-sense na simulan natin,” he said.



Timing ito dahil kasunod ng panibagong malaking milestone ng SB19, sila ang napiling kumanta ng “Together in Motion,” ang official song ng ASEAN Summit 2026, na binubuo at inayos nina Anya Lagman, Jimmy Antiporda at Louie Ocampo na gaganapin sa november 16-18 sa Philippine international Convention Center (PICC) sa Pasay.