Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Sikat na sikat ang tambalan nina Wilbert Ross at Bea Binene!
Lahat ng proyekto nila ay malaking tagumpay sa streaming platform ng Viva One.
At ngayon, for the first time ay tatawid sila sa big screen via Pee Mak na Pinoy adaptation ng hit Thai film of the same title.
And speaking of Pee Mak, bonggang-bongga ang Pinoy version ng Viva Films dahil no less than Thai superstar Mario Maurer ang nagpo-promote nito!
Si Mario ang bida sa original Thai version ng Pee Mak na ipinalabas sa Thailand noong March 2013 at sa Pilipinas naman August of the same year.
Ang Philippine adaptation naman ng naturang hit movie ay ipapalabas sa mga sinehan dito sa Pilipinas sa October 14.
Sa ipinadalang video recording ni Mario mismo sa Viva Films ay sinabi nito na…
“Mabuhay Philippines from Mario Maurer!
“Thank you for loving our film Pee Mak.
“I want to congratulate Wilbert Ross and the whole cast of the Philippine version of Pee Mak.
“I know guys that you will do it great and I’m inviting everyone to catch up Pee Mak in Philippine cinemas on October 14th.
“I’m sure guys you’re gonna have a great time there. See you, mahal ko kayo!”
Nakapanayam ni Jojo si Wilbert tungkol sa pag-eendorso ni Mario sa pelikula at inihayag ng Viva actor ang kanyang kasiyahan at karangalang nadama sa gesture ng popular na Thai actor.
“Nakakataba po ng puso,” saad ni Wilbert.
“Siyempre, isa si Mario sa mga talagang big star po sa Thailand. It’s an honor na ma-portray ko ang role niya as Mak sa Pee Mak.”
Siyempre pa, given a chance, nais makilala nang personal ni Wilbert si Mario.
“Kung may chance po, gusto ko siyang ma-meet dahil high school student pa lang ako, napanood ko na ang movie niya na Crazy Little Thing Called Love at ang Pee Mak.”
Nasa Pinoy version ng Pee Mak rin sina Vandolph Quizon, Jairus Aquino (na male lead sa Our Yesterday’s Escape ng Viva One), TJ Valderrama at ang male vocalist ng Cup Of Joe na si Gian Bernardino, sa direksyon ni Victor Villanueva.