Advertisers

Advertisers

Paggamit ng flare ng China air force vs PAF kinondena ng Kamara

0 19

Advertisers

MARIING kinondena ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang peligrosong paggamit ng flare ng dalawang Chinese fighter jets laban sa Philippine Air Force (PAF) plane habang nagsasagawa ito ng regular routine patrol sa bahagi ng Bajo de Masinloc na sakop ng exclusive economic zone (EEZ).

“This latest aggressive action of China does not promote peace and stability in the West Philippine Sea and in the region. It does not speak well of a country trying to be a world power and leader,” ani Speaker Romualdez.

“Disputes between two countries would not be resolved amicably if one, however big it is, resorts to aggression, harassment and bullying,” dagdag pa niya.



Ito ang binitiwang pahayag ng lider ng Kamara bilang kanyang pagsuporta sa naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kung saan ang Pilipinas ay mananatiling maninindigan sa kanyang minimithing teritoryo at bilang pagsuporta na rin sa PAF personnel na patuloy na magbabantay at magpapatrol sa bahagi ng Bajo de Masinloc o ang Scarborough Shoal.

Ayon sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines, ang dalawang Chinese fighter jets ay nagsagawa ng napakadelikadong maneuvers bukod pa sa paggamit ng flares sa daraanan ng PAF plane kungsaan posibleng mapahamak ang nasabing aircraft gayundin ang mga crew nito.

“Bajo de Masinloc is 120 nautical miles from Luzon and is clearly within our EEZ, while it is 594 nautical miles from China’s Hainan Island,” saad ni Speaker Romualdez. (Henry Padilla)