Advertisers

Advertisers

Double Olympic gold medalist Carlos Yulo magbabakasyon

0 17

Advertisers

NAKATAKDANG magbakasyon muna ang double gold medalist Carlos Yulo matapos ang kanyang tagumpay sa Paris Olympics at public engagements.

Matapos lumapag sa Manila, Yulo at iba pang Filipino Olympians ay naging abala — bumisita sa Malacañang at dumalo sa victory party sa parehong gabi sa Newport World Resorts.

At sa Miyerkules, pinamunuan ni Yulo ang Paris Olympics participants sa heroes welcome parade sa capital upang paligayahin ang kanilang Filipino fans.



Sa umaga, dumalo si Yulo sa event kung saan tinanggap niya ang susi sa kanyang bagong fully furnished condominium unit sa McKinley Hills sa Taguig City, kaloob ng real estate company.

Pero pagkatapos ng kanyang public appearance, sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion na si Yulo ay magbabakasyon.

“He wants to rest. He really wants to. He’s asking that if I can rest after this,” Wika ni Carrion sa piling reporter sa Rizal Memorial Coliseum, kung saan nagtapos ang parada.

Pero bago ang pinakahihintay na relaxation, si Yulo ay may “deliverables” para sa car company, sambit ni Carrion.

“He’s leaving for Paris again in September for Toyota [where] he has deliverables,” siwalat nya . “So, he’s going to Toyota, and that’s his last. After that, he’s going to come back.”



Matapos ang training ng kunti, Ay bakasyon grande na si Yulo, tugon ng Gymnastics president.

Gusto ng GAP chief na maikot ni Yulo ang boung bansa.

“He’s never seen the Philippines. He’s never seen Boracay. He’s never seen Palawan. He’s never seen the beauty of the Philippines. So, this time, I want him to have time off to see Boracay and go places,” anya.