Advertisers

Advertisers

JOHNY TAM: IBA ANG MAY PINAGSAMAHAN!

0 11

Advertisers

IBA talaga ang ‘JOHNY TAM’.

Sa sobrang dami ng masugid na kaibigan mula noon hanggang ngayon, anytime , anywhere , kabalwarte man o taga ibang lugar ay handa siyang suportahan sa kanyang adbokasiya lalo na kung para sa kapakanan ng kanyang kababayan sa Paete, Laguna.Iba talaga ang may pinagsamahan at tamang kaibigan ni businessman/ sportsman/ public servant Johny Tam.

Sa pamamagitan ng korner na ito ay ating ipinararating ang kanyang komprehensibong mensahe FYI sa mahal niyang Paeteños:



“Isang pabatid sa mahal kong mga kababayan- Ang mga tulong na inihahatid sa Bayan ng Paete ng inyong lingkod Coach Johny Tam ay nagmumula po sa matatalik nating kaibigan. Ang ilan po sa kanila, kilala po natin nang mahigit 20 o 30 taon na. Buong puso pong sumusuporta sa atin ang mga iyan kahit hindi sila taga -rito. Ako po ay nagsisilbi lamang na tulay, para kayong lahat ang makinabang. Huwag po nating haluan ng politika ang ating serbisyo publiko.

Kung naaalala po ninyo noong pandemic, marami tayong naitawid na ayuda kahit papaano. Hanggang sa larangan ng sports, at ngayon ang pagbabalik sa paaralan ng ating mga estudyante, hindi po tayo tumitigil sa paghatid ng mga pangangailangan ng ating mga kababayan.

Hindi po natin kakayanin ang lahat nang ito kung wala ang ating mga kaibigan. Wag po sana nating masamain o bigyang-kulay ang mga nais tumulong sa Paete.

Kaya ko po inihayag ito ay upang pasalamatan ang mga nagtitiwala sa atin na mga kaibigan at hindi para ipagyabang .Sa mga kumokontra sa ating mabuting hangarin, pakiusap ko lang po wag nang kulayan pa, dahil hindi po ito nakatutulong, ipakita po natin na meron po tayong pagkakaisa may kanya -kanyang oras po yan ng pagtutulungan at ng politikahan, sa ngayon ay serbisyong pambayan muna tayo

Salamat po sa inyong tiwala. Mahal na mahal ko po kayo!”



Ito ang hatid-pabatid ni Coach Johny Tam sa kanyang kababayan at forever na mga kaibigan..Iyan ang TAMA!