Advertisers

Advertisers

‘PAIHI KING’ VIOLAGO INGINUSO SA MULTI BILLION ‘PASINGAW’ NG LPG!

0 1,970

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

HINDI lamang sa smuggling, paihi ng petroleum at iba pang produkto pangunahing sangkot ang sindikato ng grupong “Violago”, kundi sa malawakang nakawan ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa buong bansa, na ang sentro ng operasyon ay Region 3 partikular sa Bataan at Bulacan hanggang sa mga probinsya ng CALABARZON.

Sa kabila ng hayag na pinagkukutaan ng sindikatong itinatag ng isang “Panong” mahigit tatlong dekada na ang nakaraan sa Mariveles, Bataan ay mistulang inutil parin ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) dahil sa kabiguan ng mga itong lansagin ang sindikatong sinalo at ipinagpatuloy ng “Violago Group”.



Bukod sa pagpupuslit ng smuggled petroleum products mula China at Malaysia gamit ang mga private port sa Mariveles at Limay, Bataan, ang pagpapanakaw ng mga naturang produkto mula sa mga delivery bunker vessel, tanker at cargo truck ay pagpapasingaw narin ng LPG ang pinasok ng sindikato sa may 15 kuta ng pasingawan sa naturang probinsya.

Matatagpuan ang ilan sa mga pasingawan sa bayan ng Hermosa na ino-operate nina Albert, Rose, Cabiling at Lito; Limay nina Bogs at Pedro; Mariveles nina Juvy, Suya at Blade; Abucay nina Ben at Imelda; Limay ni Kap Velasco; at Brgy. Mabato nina Orion ni Romy.

Tatlong lider ng Violago syndicate ang pinangalanan ng grupo ng Anti-Crime and Vice Crusader na siyang nagpapakilos ng mas pinalawak na operasyon ng smuggling at paihi ng krudo, gasolina, gas at oil products. Ang mga ito ay sina alyas Goto, Bogs at Cholo, pawang nakabase sa Bulacan ngunit nagawang mapalawak ang kanilang operasyon sa halos lahat na lalawigan sa Region 3 partikular sa Bataan, Bulacan, Tarlac at Pampanga.

Bukod sa pagpapa-ihi ng white product (krudo, gasolina at gas), ayon sa Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), lantaran narin ang pagpapanakaw ng sindikato na kung tawagin ay “pasingaw” ng LPG sa mga kuta ng mga ito sa Brgy. Bancal, Carmona City, na pinapatakbo ng isang Amang.

Libu-libong tanke ng nakaw na LPG ang nakahilera sa nababakurang malaking kuta ng sindikato sa naturang barangay, ngunit tila walang kamuwang-muwang dito sina Cavite PNP Provincial Director Colonel Eliuterio Ricardo Jr., Carmona City Mayor Dahlia Loyola at Police Chief LtCol Jefferson Ison.



Maging ang Cavite native na DOJ Secretary Crispin Remulla at ang kapatid nitong Cavite Governor Junvic Remulla ay wari’y “taas din ang kamay” versus Violago at Amang na iniuulat na may mga padrino sa Malacanang, Senado at Kongreso, kung kaya’t napipigil ang napapabalitang pag-iimbestiga sa mga ito ng mga senador at kongresista.

Bukod sa Brgy. Bancal, may mga kuta rin ang sindikatong Violago sa kahabaan ng Ecotourism Road, Brgy. Ibabang Talim, Lucena City na nakunan pa ng larawan ng photographer ng Police Files Tonite. Nanatili namang walang aksyon laban dito si Lucena City new Police Chief LtCol. Dennis De Guzman.

Ang naturang kuta ay iniuulat pang imbakan ng droga at pinapatakbo ng dummy ng sindikato na isang alyas Amigo, na ipinagmamalaking alyado sa pulitika ni Lucena City Mayor Mark Don Victor Alcala.

May dalawa pang kuta sa naturang siyudad ang sindikatong Violago. Ang mga ito ay sa Brgy. Salinas na pinopostehan ng isang Troy, at sa Brgy. Isabang na pinamamahalaan ng isang Bong. Pawang may mga bantay na sibilyang armado ng baril bukod pa sa naka-uniporme ng PNP ang mga naturang guwardiya.

Ang isa pang kuta ng Violago syndicate sa hurisdiksyon nina Quezon Gov. Angelina “Helen” Tan at PNP Provincial Director Col. Ledon Monte ay nasa Brgy. San Luis, Guinyangan na minamantine nina alyas Sammy at Alfred.

May kuta pa ang sindikatong Violago sa may gate ng Batangas City Pier sa Brgy. Sta. Clara na pinapatakbo ng isang PNP Colonel at ng bodyguard/hitman nitong pekeng Sgt. Buloy.

Ang aktibong Police Colonel ay dating superior officer in Batangas PNP Provincial Director, Col. Jacinto Malinao Jr.

May isa pang kuta ang sindikato sa boundary ng bayan ng Taal-Lemery na minamantine ng isang Delzon Adik at dismissed Calamba City Police na alyas Roy.

Isa sa tatlong lider ng Violago group na si alyas Goto ay pinangalanan ni ex-President Digong Duterte na kabilang sa narco-politicians na ang malawakang illegal drug trade ay sumasaklaw sa Bulacan, iba’t ibang lalawigan sa Region 3, Metro Manila at CALABARZON areas.

In-ambush ito (Goto) at malubhang nasugatan habang nagde-derby sa isang sabungan sa Bulacan sa kasagsagan ng Duterte Drug War.

Pinaniniwalaang ipinagpatuloy ni Goto at ng buong Violago Group ang pagbebenta ng droga, gamit na front ang kanilang paihian/ burikian at pasingawan sa mga nabanggit na kuta, na may proteksyon ng ilang tiwaling opisyales ng PNP, NBI, PDEA at port official.