Paliga sa Pista 2024… TONY’S CUP

Advertisers
NORZAGARAY, Bulacan – AARANGKADA na ang simple ngunit maituturing na makasaysayang “basketball league” ngayong araw ng Linggo, Agosto 18 sa Phase 1, basketball court, North Hills Village (NHV), Barangay Bitungol, bayang ito.
Masasabing makasaysayan sapagkat ang palaro ay magsisilbing pinakatampok sa kapistahan ng NHV na nakatakdang idaos sa darating na Oktubre 19 – 20.
“Salamat sa ating kaibigang Brgy. Bitungol Chairman Baltazar “Tazar” Espiritu at kanyang Sangguniang Barangay members, NHV Sunday Club (NHVSC) president Kuya Gonzie, officers and members na nagpaunlak sa ating kahilingan at hangaring isakatuparan ang payak na palaro upang kahit paano ay may kaa-aliwan ang mga bisita at magkaroon man lamang ng kulay ang selebrasyon lalo na sa bisperas ng okasyon. Ngayon lamang magkakaroon ng ganitong event sa kasaysayan ng NHV na sa tuwing ipinagdiriwang ay walang pinagkaiba sa mga ordinaryong araw lamang” ani Kuya Tony Tabbad, brain child at lone sponsor din ng liga.
Ang liga na lalahukan ng mga manlalaro sa iba’t ibang dibisyon gaya ng Mosquito, Midget, Kids at Junior ay sadyang binuksan at inilaan para lamang sa mga residente ng NHV. Ang NHV na pinaghatian ng dalawang barangay, (Tigbe at Bitungol) ay isang lugar na nagsilbing relocation site ng mga pamilyang nagbuhat sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, ilang dekada na ang nakakaraan.
Bukod sa entertainment, nilalayon din ng liga na makahikayat ng mga kabataan, mag-aaral man o Out of School Youth (OSY) na sa kanilang murang edad ay mabigyan ng karapatang makalahok at maibaling ang kanilang panahon sa ganitong napakahalagang aktibidad upang ‘di maligaw ng landas.
“Yan ang pangunahing dahilan kung bakit natin inalis ang “team registration fee” na karaniwang balakid sa mga interesado at may kakayahang maglaro pero walang financial capability na magbayad ng ganitong halaga ang kanilang koponan. Minimal playing fee na lang ang babayaran ng bawat manlalaro.” dagdag ng fiesta league sponsor.
Kabilang sa babalikatin ng sponsor ang organizing committee uniform and individual fee at marshalls uniform na mangangalaga ng kaayusan sa loob ng basketball court during the game.
Dakong alas 8:00 ng umaga, itinakda ang tapat ng Brgy Hall extension bilang assembly area ng mga manlalarong kalahok sa “Tony’s Cup 2024″ bago simulan ang parada with matching “muses” patungo ng venue proper.
Magkakaroon din ng simpleng seremonya sa ganap na alas 9:00 ng umaga bilang hudyat ng liga. Mismo sa araw na ito pipiliin ng mga hurado ang “best muse” pagkatapos ng kanilang pagrarampa.
Bagamat may nakalaang cash prizes, trophies at medals sa mga kalahok, matatanggap lamang ang lahat ng ito sa bisperas ng kapistahan na siyang itinakda bilang “Gabi ng Parangal”.