Advertisers

Advertisers

PBBM at Singaporean President nagdaos ng bilateral meeting

0 7

Advertisers

MALUGOD na sinalubong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Singaporean President His Excellency Tharman Shanmugaratnam na nasa bansa para sa tatlong araw na state visit mula Agosto 15 hanggang 17.

Kasama ni First Lady Jane Yumiko Ittogi Shanmugaratnam at ng iba pang delegasyon ng Singapore, si Pangulong Shanmugaratnam ay binigyan ng arrival honors at lumagda sa guest book sa Palasyo ng Malacañang bago tumuloy sa bilateral meeting kasama si Pangulong Marcos Jr.

Nakaangkla sa pagpapanibago ng matatag na pagtutulungan ng Pilipinas at Singapore na umiral nang mahigit limang (5) dekada, inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ang ilang bagay na magpapatibay sa bilateral at multilateral na relasyon ng dalawang bansa, partikular sa larangan ng enerhiya at pangangalaga sa kalusugan at iba pa.



Bukod dito, nakatakdang saksihan nina Pangulong Marcos Jr. at Pangulong Shanmugaratnam ang paglagda ng ilang Memoranda of Understanding (MOU), kabilang ang pagre-recruit ng mga Filipino healthcare worker, gayundin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagpopondo sa pagbabago ng klima.

Ngayong taon ay ginugunita ang ika-55 anibersaryo ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Singapore. Ito ay pormal na itinatag noong Mayo 16, 1969. (Vanz Fernandez)