Advertisers

Advertisers

Roque hinimok si VP Sara na magpa-hair follicle test

0 13

Advertisers

UMAPELA si dating presidential spokesman Atty. Harry Roque kay VP Sara Duterte na sumailalim sa hair follicle test.

Ang hair follicle test ay isang pamamaraan upang matukoy kung ang isang tao ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o substance.

Sinabi ni Roque na sa pamamaraang ito ay maipapakita kung sino ang tunay na leader na deserve ng bawat mamamayang Pilipino.



Mas mainam din aniya na pangunahan na ito ng bise.

Hinimok din ng dating opisyal ang kapatid ni Sara na si Mayor Baste at Cong. Pulong Duterte na sumailalim sa parehong pagsusuri.