Advertisers

Advertisers

11 Poste ng kuryente nabuwal nang maatrasan ng dump truck: 4 sugatan

0 56

Advertisers




TUMUMBA ang nasa 11 poste ng kuryente at apat katao ang nasugatan sa insidente, sa  Santiago Road, Phase 7 Villaroma st.Brgy, Lambakin Marilao Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Alexander Nacario Y Curig, 26-anyos, driver ng dump truck na may plakang NID 3322, Brgy, Ugong Valenzuela City.

Habang kinilala naman ang mga nasugatan na sina John Paulo Robles 28, Angelito Mirabel 33, Johann Mago Abella 19, na lulan ng motorsiklo, kapwa nasugatan sa pangyayari, at isang kawani ng Meralco, na si Francis Mesina 37 anyos.

Nangyari ang insidente ganap na 11:30 ng gabi dahil sa pangyayari nagmistulang ghost barangay ang lugar.

Ayon kay Nurse Gerome ng MDRRMO, isang  dumptruck  na puno ng panambak, umano ang aksidenteng naka atras sa malaking poste na naging sanhi ng isa-isang pagtumab ng poste.

Samantala nagpapatuloy  naman ang pagsasaayos ng mga tauhan ng Meralco sa bumuwal na poste, habang sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to Multiple Physical Injuries and damage to Property ang truck driver.(Thony D. Arcenal)