Advertisers

Advertisers

Karpintero, kinatay ng mag-utol na lasing

0 6

Advertisers

Pinagtulungan pagsasaksakin ng lasing na magkapatid at mapatay ang kapwa nilang construction worker sa loob ng kanilang barracks sa Quezon City nitong Lunes ng gabi.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) District Director Police Brig Gen. Redrico Maranan. ang biktima ay nakilalang si Benjie Villar Mirabite, 25, construction worker habang arestado naman ang isa sa suspek na si  Jaime Capoquian Lebrino, 47, kapwa stay in sa No. 26 Saret St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City.



Tinutugis ang kapatid ni Benjie na si Viner, 40, na nakatakas matapos ang krimen.

Sa report ng Criminal Invetigation and Detection Unit ng  Quezon City Police District (CIDU-QCPD) na pinamummunuan ni Police Maj. Dondon Llapitan , bandang 6:30 ng gabi (August 19), nang maganap ang insidente sa No. 26 Saret St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City.



Sa imbestigasyon ni PSSg Alexis Mace L Jurado, nag-iinuman sa ikalawang palapag ng kanilang barracks ang magkapatid na suspek kasama ang testigo na si alias Gerry.

Ayon sa testigo, nang malasing ang magkapatid na suspek ay bumaba ang mga ito at nagtungo sa kanilang  kuwartel kung saan nandoon ang biktima.



Ilang minuto lamang ay narinig umano niyang sumisigaw ang biktima ng “Tulong! Tulong! Pinagsasaksak. ako!” 

Dahil dito agad na bumaba si Gerry at doon ay nasilip niyang pinagtutulungan ng magkapatid na saksakin ang biktima.

Matapos ay  bumalik ang magkapatid sa itaas at nagpalit ng damit, kinuha ang kanilang bag at saka tumakas.

Agad namang isinugod ang biktima sa Rosario Maclang Bautista General Hospital subalit idineklara na itong dead on arrival ng attending physician na si Dr. Lara Ruzol.

Agad na inireport ang insidente sa pulisya at kinalaunan ay naaresto ang isa sa mga suspek. (Almar Danguilan)