Advertisers
Sugatan nang pagbabarilin ang Iiang Sangguniang Kabataan chairman sa Brgy. Salomague Norte, Bugallon, Pangasinan noong Sabado.
Ayon sa imbestigasyon, nagmamaneho ang biktima ng motorsiklo pauwi nang pagbabarilin ito ng isang lalaking sakay ng bisikleta.
Nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima at dinala ng mga opisyal ng barangay sa ospital.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo ng bala ng 9mm caliber.
Tumakas naman ang salarin na nakasuot ng itim na jacket at pantalon.