Advertisers

Advertisers

AIMAG 2024 kinansela

0 8

Advertisers

INANUNSYO ng Olympic Council of Asia Martes, Agosto 20, na kinansela ang 6th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) na nakatakdang ganapin sa Bangkok at Chonburi, Thailand sa Nobyembre 21 to 30.

Sa liham na inilabas sa National Olympic Committee (NOC) members, sinabi ni OCA Acting President Raja Randhir Singh ginawa ng Executive Board ang decision dahil kulang sa budget, infrastructur at iba pang Host City Contract (HCC) requirements sa emergency meeting nakaraang Huwebes, Agosto 15.

Ang AIMAG Organizing Committee ay binigyan hanggang Lunes,Agosto 19 na ipaalam sa OCA kung kaya nilang matugunan ang lahat ng requirements ng HCC, pero sinabi ng OCA na hindi kaya ang criteria na hinihiling sa huling deadline.



Ang nasabing edition ng event ay ilang beses nang ipinagpaliban dahil sa pandemic, at nagpalit ng gobyerno sa Thailand.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino ang kanselasyon ay “frustrating, but we’ll have to move on.”



Ang bansa dapat ay magpadala ng 421 athletes na sasabak sa 37 ng 41 sports at layunin na mahigitan ang nakaraang finish na two gold,14 silver at 14 bronze medals sa 2017 edition sa Ashgabat, Turkmenistan

“But there is no wasted time and effort as far as our athletes are concerned because they remain in top form and there are other international competitions that they could focus on,” Wika ni Tolentino.



Sinulatan rin ni National Committee of Thailand vice president Dato Seri Chaiyapak Siriwat ang miyembro ng OCA tungkol sa kanselasyon at pinahayag ang kanyang malalim na pagkabigo.

Ang AIMAG ay unang nilaro noong 2005 sa Bangkok na inaugural host, 2007 at 2009 – at ang martial arts games sa 2009 sa Bangkok.