Advertisers
UMAASA ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na napapanahon na para maisama sa Olympics ang larong billiards at bowling.
Sinabi ni Atty. Ariel Inton ng LCSP bakit hindi kasama sa Olympics ang sports na billiards at bowling.
Sa press statement sinabi ni Inton na mula kay double-gold winner Caloy Yulo hanggang sa huling atletang Pinoy na lumaban na nagkamit ng Gintong medalya at nagbigay ng karangalan sa bansa.
Ayon pa sa LCSP lahat dapat kilalanin at suportahan. Sa isang daantaong pagsali ng Pilipinas sa Olympics ay tatlo na ang gintong medalyang napanalunan (isa mula kay Hidilyn Diaz at dalawa mula kay Caloy Yulo).
Sinabi pa ni Inton na may nauna na tayong gintong medalya sa bowling na naipanalo ni Arianne Cerdeña. Yun nga lang not counted sa medal tally dahil demonstration sports lang ang bowling.
Nabatid pa sa head ng LCSP na madami rin ang world class billiards players na Pinoy. Sa larong ito pwede tapatan ng mga Pinoy ang world team ng billiard.
Idinagdag pa nito dahil walang billiards sa Olympics walang medalya nakukuha. Sa totoo lang kung kasama ang bowling at billiards sa Olympics kayang mag dominate ng Pilipinas dyan, ayon pa kay Inton.
Kaugnay nito matagal ng nilalaban ng mga international billiards at bowling associations na isama ang dalawang sports na ito sa Olympics.
Sinabi pa ni Inton na ang billiards umano ay do not comply with the definition of sports ayon sa International Olympics Committee.
Habang ang bowling naman daw ay walang appeal sa younger demograhics at iba pa.
Duda tuloy na politika sa loob ang tunay na dahilan dahil yung mga Olympics powerhouse nations na walang panlaban dito ang humaharang na maisama ang dalawang larong ito sa Olympics.
Sinabi pa ni Inton noong Paris Olympics ay sinama nila ang Breaking o breakdancing. Sinama rin ang skateboarding sports climbing at surfing. Mga non-traditional sports.
Kung sinama itong mga “larong ito” sa Olympics Bakit hindi ang bowling at billiards na “centuries old sports” dagdag pa ni Inton. (Boy Celario)