Advertisers

Advertisers

Lalaking pasahero, arestado sa illegal drugs sa NAIA 3

0 7

Advertisers

Inaresto ng awtoridad sa NAIA Terminal 3 ang isang lalaki na nahulihan ng iligal na droga sa security checkpoint ng naturang paliparan,

Ang nagsagawa ng pagdakip ay mga tauhan ng NAIA Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) -IADITG na paalis sana ng bansa.

Ang nasabing pasahero ay papasakay sana ng Cebu Pacific flight patungong Zamboanga nang makita sa final security checkpoint ang dala nitong nasa 2.2 gramo na hinihinalang shabu.



Nasa kostudiya na ngayon ng PDEA ang pasaherong hindi pinangalanan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at pagsasampa ng reklamo laban sa kanya. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)