Advertisers
Binigay ng tatlong buwan ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito para burahin ang kanilang visible tattoos.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, inaprubahan na ni PNP chief Gen. Rommel Marbil noong July 3 ang moratorium para sa implementasyon ng memorandum na nagbabawal sa mga pulis na magkaroon ng tattoo.
“After three months of non-compliance, there will be an investigation,” saad ni Fajardo.
“If there are medical reasons probably he will be given ample time to comply but for those who would refuse without justifiable reason, then it’s clearly indicated in the circular that they may be subjected to administrative sanctions,” dagdag pa ng PNP spokesperson.
Nilinaw din ni Fajardo na hindi sasagutin ng PNP ang pagpapatanggal ng tattoo ng kanilang mga tauhan.