Advertisers

Advertisers

TAKOT MABUKO SI SARA

0 425

Advertisers

KAYA pala tinarayan ni Sara Duterte si Sen. Risa Hontiveros. Takot siyang bukuhin ni Risa na hinalaw niya ang sinasabing aklat niya sa isang aklat na nailimbag sa ibang bansa. Sa isang post, sinabi ni Ninotchska Rosca, isang literary writer na naninirahan sa New York City, na malaki ang pagkakahawig ng librong “Owly The Way Home” sa libro ni Sara na may pamagat na “Isang Kaibigan.”

Hindi namin sinabi na ninakaw ni Sara ang Owly bagamat parehong kuwento ng isang kuwago na naligaw dahil sa malakas na bagyo at tinulungan siya ng isang kaibigang ibon – bluebird sa Owly at loro sa Kaibigan. Maaaring may ibang nilalang ang gumawa ng aklat ni Sara at inilagay ang pangalan niya. Uso sa ganitong kalakaran sa pagsusulat.

Hindi namin sinabi na plagiarism ang ginawa ng tunay na may-akda ng libro ni Sara. Ngunit ganito na nga kung mapatunayan na kinopya ang aklat ni Sara. Isa lang ang ending nito: kay Sara puputok ang bintang ng plagiarism. Isipin na lang na isang plagiarist ang pangalawang pangulo ng bansa.



Mukhang may alam si Risa sa aklat ni Sara. Napansin ng mga netizen na totoong maliit ang appropriation ng budget sa aklat – nasa P10 milyon lang, pero ito ang napansin ni Risa sa P2-B budget na inilaan sa OVP. Kung bakit ang maliit ang napansin ni Risa.
***
Sa pagharap ni Risa at Sara sa Senate public hearing ng subcommittee na pinamumunuan ni Grace Poe, ipinangalandakan ni Sara na siya ang may-akda ng aklat na may budget na P10-M. Hindi namin alam kung saan humugot ng lakas ng loob si Sara na sabihin na siya ang gumawa ng kontrobersyal na aklat na iyon.

Lumabas sa pagsusuri ng ilang netizen na mukhang kinuha ang ideya sa series ng aklat ni Andy Ruston, isang Amerikanong manunulat, na pinamagatang “Owly on the Way Home.” Nagulat kami sa pag-angkin ng aklat ng “ Isang Kaibigan” dahil wala sa itsura ni Sara ang makapagsulat ng anumang aklat. Hidi siya kapani-paniwalang may kakayahan na magsulat.



Magaspang ang ugali, may natatanging yabang na hindi bagay sa isang manunulat, at wala siyang ere o pride para paniwalaan na isa siyang manunulat. Kabisado namin ang manunulat. Mayroon silang natatanging kakayahan na ipagmalaki ang obra, isang bagay na wala si Sara.

“Sumulat ng libro si VP at ipinasagot sa gobyerno. Kaya lang problema – mukhang kinopya yung libro at itinagalog lang iyong children’s book ni Andy Runton. Nakakahiya.” Ito ang sinabi ni Manny Mogato, batikang mamamahayag.



Ipinangako ni Hontiveros na hihilingin niya sa Senado na alisin ang budget na P10 milyon at ilaan sa ibang gastusin ng gobyerno. Hindi kasi puede na may ilalabas na libro ang OVP sa ilalim ng pangalan ni Sara. Hindi sinabi ni Risa kung saan ililipat ang budget na P10 milyon kahit na niliwanag niya na bawal ito sa batas.

May dagdag si Jerry Gracio, isang netizen at scriptwriter: “Wala tayong pakialam kung magsulat si Sara ng libro. Pero kung gagastos ang gobyerno na 10M para sa aklat niya, ibang usapan ‘yun. Aklat niya yun, ba’t hindi siya ang gumastos? Iniaasa ni Sara ang gastos niya sa taumbayan. Walang karapatan si Sara na waldasin ang pera ng bayan.”
***
MAINIT ang ulo ni BBM dahil sa pagtalilis ni Alice Guo, ang puganteng Intsik na nagpanggap na Filipino. “Gugulong ang mga ulo,” ito ang salita ni BBM. Hindi pa malaman kung sino sa mga opisyal ng kanyang administrasyon ang mananagot sa pagkawala ni Guo.

Naulat na nakatakas si Guo sa Filipinas at kasalukuyang nagtatago sa Malaysia. Batay sa pagsisiyasat ng Senado, lumabas na Intsik si Guo na nag-aral ng wikang Filipino. Dahil sa salapi, nakakuha siya ng mga pekeng dokumento upang magpanggap na Filipino.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “I made a lot of my mistake in my career, but I gave my best to you. For 50 years…I give my heart and my soul to our nation…I was too young to be in the Senate…and too old to stay as president. I hope you know how grateful I am to all of you.” – Joe Biden, pangulo ng Estados Unidos

“Na-spoiled si Sara Duterte sa isang uri ng pamamahala na walang nangangahas magtanong. Ang magtanong ay kaaway na kaagad. Kaya hindi sanay sa tinatawag na check and balance at sa pananagutan. Kapag nasita, magta-tantrums na agad.” – Pari Koy, netizen, kritiko

“So, ang aklat ni Sara ay tungkol sa isang loro na tinulungan ang kaibigang kuwago na itayo ang nasira niyang bahay dahil sa bagyo. E di ba nagpunta si Sara sa Germany sa kasagsagan ng bagyo at iniwan tayo? Ano ini-eme niya sa libro?” – Jerry B. Gracio, netizen, kritiko

* **

Email: bootsfra@yahoo.com