Advertisers

Advertisers

50-inch Smart TV sa bawat classroom ng RAES – Mayor Honey

0 28

Advertisers

TINANGGAP ni Manila Mayor Honey Lacuna mula sa International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) Foundation ang kabuuang 235 units ng 50-inch Smart television para ilagay sa bawat classrooms Rosauro Almario Elementary School (RAES), kasabay din ito ng pag-anunsyo ng alkalde ng donasyong P30 million halaga ng medical instruments sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) mula sa pareho ding obserbasyon.

MASUYONG hinalikan ni Mayor Honey Lacuna ang ulo ng isang mag-aaral na nagbigay sa kanya ng bulaklak nang bisitahin niya ang RAES sa Tondo. (JERRY S. TAN)

Sa kanyang maiksing mensahe, pinasalamatan ni Lacuna sina ICTSI chair and president Enrique Razon, Jr., execudtive vice president Christian Gonzales at Foundation Deputy Executive Director Filipina Laurena sa kanilang generous donation sa newly-rehabilitated, ten-storey RAES kung saan 7,000 mag-aaral ang mabebenepisyuhan mula sa mataong distrito ng Tondo.



“Napakaswerte po ng RAES…. 11 lang po ang naibigay naming TV e ang daming classrooms… sinagad ng ICTSI foundation may 50-inch Smart TV nang mai-install sa classrooms… lahat ng classrooms ay magkakaroon na,” sabi ni Lacuna.

“Ayon sa experts, ang paggamit ng Smart TV ay lubos na nakapagpapahusay sa ugnayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng visual aid. Dati mga paper, cards, illustration boards pero ngayon hi-tech na talaga, para din mapanatili ang interes ng mga mag-aaral,” pahayag pa ng alkalde.

Ayon kay Lacuna kailangang yakapin ang moderno at inobatibong pamamaraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral. Ito ay kasabay ng pasasalamat niya sa grupo ng ICTSI sa pangunguna ni Razon na walang kapaguran sa pagtulong pamahalaang lungsod ng Maynila kapag siya ay may pagkakataon.

“Kami po sa pamahalaang-lungsod ay di mahihiyang manghingi. Alam nyo naman na di sapat ang pondo natin kaya masuwerte tayo at may mga kaibigan tayong gaya ng foundation na ni minsan ay di kami hinindian,” pahayag ni Lacuna.

“Sana ay lalong mapalawak ng ating mga guro ang pagtuturo sa paralan… salamat sa inyong busilak na puso at muli ang aming taos-pusong pasasalamat. Makakaasa po kayo na ang amin pong mga paaralan ay talagang magsisikap na maitaas ang antas ng edukasyon,” saad pa ni Lacuna.



Hiniling naman ng alkalde sa mga guro na pangalagaan at ingatan ang mga teaching equipment na ipinagkatiwala sa kanila.

“Sa mga guro na magsispaggamit ng Smart TV, ang pakiusap ko ay ingatan po natin ito dahil hindi lahat ng oras ay may mabubuting tao na tumutulong sa atin. Alam ko na sa inyong tiyaga ay malaking kaginhawaan sa inyong parte at maipagyayabang nyo po sa ibang guro na tulad nyo na kami sa RAES talagang high-tech na,” ayon sa lady mayor.

Samantala ay sinabi rin ni Lacuna na ang ICTSI ay nagbigay din ng tulong sa Isa sa mga ospital na pinatatakbo ng lungsod.

Ibinahagi ng alkalde na ang Gat Andres Bonifacio Medical Hospital (GABMH) sa ilalim ni Director Dr. Ted Martin at nasa first district ng Tondo, ay nakatanggap din ng donasyon ng medical instruments para sa kanilang ENT department.

Ang nasabing donasyon ayon sa alkalde ay nagkakahalaga ng P30 million at binubuo ng top-of-the-line medical instruments.

Ang bagong RAES building na pinasinayaan ni Lacuna noong Enero, ay may 227 classrooms na fully-airconditioned, 12 offices, new library, canteen, auditorium, gymnasium, dalawang outdoor basketball court na may retractable goal na convertible sa football field, dalawang roof deck outdoor sport at exercise area, walong elevator units kung saan 24 katao ang kapasidad. at pitong stairs node.

Maliban sa RAES, ang pamahalaang lungsod ay nagsagawa rin rehabilitasyon ng Dr. Alejandro Albert Elementary School at Manila Science High School. (ANDI GARCIA)