Advertisers

Advertisers

MAYOR SA ALBAY WANTED SA MURDER!

0 22

Advertisers

INIUTOS ng Manila Regional Trial Court ang pag-aresto kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo, na suspek sa pagpatay noong December 2018 kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe sa Albay at sa kanyang security aide na si M/Sgt. Orlando Diaz.



Ang Manila RTC Branch 3, sa ilalim ni Acting Presiding Judge Acerey Pacheco, ay nag-isyu ng warrant matapos bawiin ang pagbigay ng piyansa kay Baldo..

Ipinost ng anak ni Batocabe na si Justin ang kopya ng August 21, 2024 arrest warrant sa Facebook at nagpasalamat sa RTC at Supreme Court sa pagtama sa maling pagbigay ng piyansa.

“We pray that the [Philippine National Police] immediately apprehend the murderer as soon as possible. Should he continue in his flight from justice, I hope the [Department of the Interior and Local Government] could step in and levy the appropriate administrative penalties,” sabi ni Justin.

Iniatas ni Judge Pacheco sa law enforcers na gumamit ng at least isang body-worn camera at isang alternative recording device, o minimum na 2 devices, sa pagsilbi ng arrest warrant.

Bago ito, pinayagan ng Legazpi Regional Trial Court si Baldo na magpiyansa sa murder charges noong September 2019, binanggit ang inconsistent witness testimonies at ang absence ni Baldo sa crime scene.

Ang trial ng kaso ay inilipat sa Manila RTC noong December 2019.

Noong March 2023, pinawalang-bisa ng Cout of Appeal (CA) ang pagbigay ng piyansa at inatasan ang RTC na ikonsidera ang lahat ng ebidensiyang inilatag sa bail hearing.