Advertisers

Advertisers

P17.1m high-grade marijuana, nasabat

0 9

Advertisers

Nasabat ang halos 10.5 kilo ng high-grade ‘Kush’ marijuana na nagkakahalaga ng P17.169 milyon sa joint inspection ng Bureau of Customs (BOC)- Port of Clark.

Isinagawa ang inspeksyon sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-AVSEG), National Bureau of Investigation (NBI) Pampanga District Office, ang Department of Justice (DOJ) at Brgy. Officials of Dau.



Ayon sa BOC,  dumating ang kargamento noong Agosto 6, 2024, at idineklara bilang dalawang (2) piraso ng “One Seat Sofa.” Ito ay minarkahan para sa inspeksyon ng X-ray Inspection Project (XIP) ng BOC matapos magbunyag ng mga hindi pangkaraniwang larawan. Ang isang K-9 sniff test ay nagpahiwatig din ng pagkakaroon ng mga ilegal na sangkap. 

Sa pisikal na inspeksyon, natuklasan ng mga awtoridad ang 23 self-sealing transparent plastic sachet (12 pack at 11 pack, ayon sa pagkakabanggit) ng mga tuyong dahon at mga fruiting tops  na pinaghihinalaang high-grade na marijuana, na kilala rin bilang “Kush.”

Dinala ang mga sample at tinurn over sa PDEA para sa chemical laboratory analysis at nakumpirmabg marijuana na isang dangerous drug.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">