Advertisers

Advertisers

P9.6m marijuana leaves nasamsam sa Valenzuela city

0 76

Advertisers

Nasamsan ang P9.6  milyon marijuana leaves at nadakip ang drug personalities ng Philippine National Police Drug Enforcement Agency (PNP-DEG) sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City nitong Huwebes ng umaga.

Nakilala ang nadakip na suspek na alias Rich, 49-anyos, newly identified drug personality, ng Baguio City,

Ayon kay BGen  Eleazar Matta,  Director, PNP DEG, 9:00 ng  umaga magsagawa ng buy bust operation ang elemento ng Intelligence and Foreign Liaison Division PNP DEG operatives, sa KM17 Drive and Dine Nlex Southbound Brgy. Canumay West, Valenzuela City. 

Narekober ng mga operatiba sa suspek ang 80,000 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P9,600,000.

Dinala ang suspek at ang narekober na mga marijuana leave sa SOU NCR, PNP DEG na isinailalim sa imbestigasyon.

 Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa 

RA9165. (Mark Obleada/Beth Samson)