Advertisers

Advertisers

Utol ni Alice Gou, Ong nakakulong sa NBI

0 22

Advertisers

NASA kustodiya na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang kasamahan ni dismissed Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac kasunod ng pagkakaaresto at pagpapatapon sa kanila mula sa Indonesia.

Kinumpirma ni Atty. Ferfinand Topacio, ang abogado ni Cassandra Li Ong, na kasama ang kapatid ni Alice Guo na bumalik sa Pilipinas at nasa kustodiya na ng NBI sa Quezon City kasama si Shiela Guo.

Isinasangkot si Ong sa Lucky South 99 POGO sa Porac, Pampanga na sinalakay kamakailan dahil sa illicit activities, habang isinasangkot din si Guo sa POGO operations.



Naaresto ang dalawa sa Batam kasunod ng ulat na si Alice Guo ay tumakas sa bansa, at iniulat na nasa Indonesia kasama ang ilang kasamahan.

Sinabi ni Topacio na binigyan si Ong at Guo ng ‘folding chairs’ sa loob ng airconditioned ‘special detention room’ sa 8th floor ng NBI headquarters.

Nagpasalamat naman si Topacio kay NBI Director Jaime Santiago sa pagtiyak na ang karapatan ng mga naaresto at protektado, at tinatratong mabuti at ang lahat ng mga karapatan sa pagbisita ay susundin.

Aniya, ang kanyang kliyente ay hindi pa na-inquest at sumailalim sa nasabing procedure nitong Biyernes ng umaga sa NBI headquarters o sa Department of Justice (DOJ).

Nasa maayos na kondisyon, aniya, si Ong.



Binigyang-diin pa ni Topacio na ang proseso ng pag-aresto kay Ong, dapat gawin ng Sergeant at Arms of the House dahil mayroon lamang “legislative warrant” para sa kanya.

“Arrested kasi inaresto. They were apprehended and taken into custody so may aresto. But on what basis, ‘yon po ang hindi natin alam. Kaya nga ‘yon ang sinasabi ko na and I’ve been consistent. Sinabi ko rin kay Director [Santiago] but of course it is useless to debate the issue now because si Director is doing his job, I’m also doing my job. We will leave it up to the proper forum to resolve,” pahayag ni Topacio.

Ayon kay Topacio, isinailalim sa inquest proceeding si Ong para sa mga kasong “Obstruction of justice” at “Harboring a fugitive” na kinumpirma niya na bailable cases.

Isinagawa sa tanggapan ng NBI sa Quezon City ang inquest proceedings kina Guo at Ong kungsaan mismong mga prosecutor ng DOJ ang nagtungo rito.

Sinabi rin ni Topacio na nakausap narin ni Shiela Guo ang kanyang legal counsel.

Sanantala, nahaharap sa mga reklamong kriminal ang mga kasama ni Alice Guo nang makulong sa Indonesia at ibalik sa Pilipinas, ayon kay DOJ spokesman Atty. Mico Clavano.

Sinabi ni Clavano, isang reklamo para sa paglabag sa Immigration Law ang isasampa laban kay Sheila Guo, ang kapatid ng na-dismiss na alkalde.

Dagdag pa nito, maraming reklamo ang isasampa laban kay Cassandra Li Ong, ang awtorisadong kinatawan ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na ni-raid sa Porac, Pampanga.

Lumapag si Guo at Ong sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Huwebes ng hapon.

Nauna na silang naharang sa Batam, Indonesia.

Sinabi ni Clavano na mananatili si Guo sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) habang si Ong ay sa NBI.(Jocelyn Domenden)