Advertisers

Advertisers

Col. Espenido ikinanta ang ‘quota’ sa war on drugs

0 15

Advertisers

IBINUNYAG ni Police Lt. Colonel Jovie Espenido na mayroong umiiral na quota at reward system sa Philippine National Police sa ilalim ng ‘war on drugs’ ng nakaraang Duterte administration.

Sa affidavit na isinumite ni Espenido sa House Quad Committee at sa pagharap sa pagdinig nitong Miyerkoles, kinumpirma niyang nagpataw ang liderato ng quota na limampu hanggang isandaang indibidwal na inakalang ang ibig sabihin ay kakatok lamang sa tahanan ng mga hinihinalang gumagamit o nagtutulak ng ilegal na droga.

Ninais ni Espenido na ipatupad ang war on drugs ng walang namamatay, at ang misyon ay sumuko ang drug suspects at isailalim sa rehabilitasyon kaya walang naitala sa ilalim ng kanyang pamumuno sa Albuera at Bacolod.



Ibinunyag ni Espinido na ang pabuya ay nasa P20,000 sa bawat mapapatay na indibidwal sa drug war, at ang pondo ay galing sa Small-Town Lottery o jueteng lords na nagbibigay ng pera sa provincial at regional police commanders.

Ibinahagi rin ni Espenido na si noo’y PNP Chief ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang nagpatawag sa kanya upang italaga sa Ozamiz City bilang hepe dahil sa pagiging matapang.

Ang instruction, aniya, ni Dela Rosa ay buwagin ang mga sindikato ng ilegal na droga kasama na ang Parojinog group, kungsaan ginamit ang mga salitang “neutralize” at “eliminate” anuman ang pamamaraan.

Dagdag pa ni Espenido, direkta siyang nagre-report kay Dela Rosa at mismong kay Pangulong Rodrigo Duterte.

@@@



Espenido ibinunyag ang mga utos ni Bato

ISINALANG ng House Quad Committee ang kontrobersial na police official, Lt. Colonel Jovie Espenido, upang magbigay ng testimonya ukol sa drug war na nasaksihan niya bilang isang chief of police noong unang taon ng implementasyon nito.

Idinetalye ni Espenido kung paano siya nakatanggap ng tawag mula kay dating PNP Chief ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa upang maging hepe ng Albuera, Leyte Police Station.

Agad naman niya itong tinanggap kasama ang bilin na lansagin ang illegal drugs operation na pinapangunahan ng tinaguriang bigtime drug lord na si Kerwin Espinosa.

Ipinagmalaki niya na sa loob ng 18 days ay nagawa niyang lansagin ang drug ring ni Kerwin at tuluyan ding sumurender ang kaniyang ama na si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Si Mayor Espinosa ay kinalaunan pinatay habang nasa loob ng Baybay City Provincial Jail.

Nahuli rin si Kerwin sa ibang bansa sa pamamamagitan ng pagtutulungan ng intel community.

Gayunpaman, sa loob aniya ng ilang buwan na pananatili niya bilang COP, pinanindigan ni Espenido na walang namatay sa ilalim ng kampanya laban sa iligal na droga.

Noong July 13, 2016, ilang araw lamang mula nang maupo si Duterte bilang pangulo, na-assign si Espenido bilang COP ng Albuera.

October 16, 2019, nagsilbi siyang Deputy City Director for Operations sa Bacolod City Police Office sa Western Visayas.

Sa kabila ng mistulang pagiging drug war lieutenant ni Espenido, pinangalanan siya ni dating DILG Secretary Eduardo Año na kabilang sa drugs watchlist ni Duterte.