Advertisers
Arestado ang tatlong High Value Individual (HVI ) sa pagtutulak ng iligal na droga sa isinagawang magkasanib na anti-illegal buy bust operation ng PDEA Cavite Provincial Police Office at ng Regional Drug Enforcement Unit ng PRO 4A Calabarzon sa kahabaan ng Molino-Paliparan Road, Brgy. Paliparan ng Dasmarinas City, Cavite nitong Huwebes August 29, 2024 .
Kinilala ang mga suspek na sina Lenard Canete, alias “Marlon”, 27-anyos; Abegail Arandia, alias “Bai”, 21; at Claire Ann Adolfo, 21, mga residente sa nasabing lugar.
Nasamsam sa mga suspek ang isang kulay puting pouch bag na may laman ng shabu na may bigat na 100 grams at nagkakahalaga ng P680,000.00, at walong piraso ng plastic bags na naglalaman ng 800 pcs ng ecstacy tablets na nagkakahalaga ng P1,360.000.00, isang Yamaha Fazzio motorcycle scooter at ang ginamit na buy bust money.
Mahaharap ang tatlong suspek sa Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act of 2002 ng Republic Act 9165.(KOI LAURA)