Advertisers
POSIBLENG bumaha ng suplay ng iligal na droga habang papalapit ang 2025 midterm elections.
Ito ang ibinunyag ni Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Chief, Brigadier General Eleazar Mata, matapos makatanggap ng intelligence reports na may mga magdadatingang shabu sa bansa.
Gagamitin umano ito para pondohan ang ilang personalidad na tatakbo sa nalalapit na halalan.
Sa ngayon, may listahan na ang PDEG ng local chief executives o mga alkalde na sangkot sa iligal na droga pero kanila pa itong bineberipika.
Samantala, sinabi rin ng opisyal na binabantayan din nila ang pagkalat ng “liquid shabu” na mas mahina ang tama at mas mura sa merkado.
Inilalako ang liquid shabu sa social media at may kasalukuyan nang network sangkot ang ilang Pilipino, gaya ng dalawang naaresto sa P89-milion drug-buy bust operations noong Huwebes ng gabi. (Mark Obleada)