Advertisers
Nasawi ang anim na sakay ng kotseng Toyota Vios, dalawa sa kanila mga bata, nang mapagulong-gulong na pagbulusok nito sa bangin sa gilid ng highway sa Barangay Nagpan sa Malungon, Sarangani nitong Biyernes.
Sa mga hiwalay na inisyal na ulat nitong Biyernes ng Malungon Municipal Police Station at ng Police Regional Office-12, malinaw na nagsiksikan sa kotse ang mga biktima na pauwi na sana sa Mati City sa Davao Oriental mula sa General Santos City kung saan mayroon silang dinalaw na mga kamag-anak.
Dalawa sa apat na mga nasawi mga bata, ayon sa mga kawani ng Malungon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ang apat sa anim na mga nasawi sa aksidente ang driver ng kotse na si Jay-Ar Tabanyag Mandawan, 34-anyos, si Jeroben Taratuma Losabes, 39-anyos; Nora Albuena Aljiho, 34-anyos; at Ernesto Sicay Moseya, 57-anyos.
May theorya ang mga barangay officials sa Nagpan at mga imbestigador ng Malungon MPS na posibleng lasing ang driver ng kotseng sangkot sa aksidente, ganun ang iba pang mga sakay nito.