Advertisers

Advertisers

P74.8m shabu nasamsam sa 2 tulak sa Manila

0 14

Advertisers

Nasamsam ang P74.8 million halaga ng shabu at pagkakadakip ng 2 drug pusher ng mga elemento ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa isinagawang buy bust operation sa lungsod ng Manila nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang dalawang naaresto na sina sa alias na Jeboy 37-anyos,  tubong Zambaonga del Sur; at Alias Rodel, 45-anyos ng Bacoor City, Cavite.



Ayon kay BGen eleazat Matta, Dir PNP DEG, 7:45 ng gabi ng nang magsagawa ng buy bust operation ang  PNP-DEG Specail Operation Unit-NCR  sa Brgy. 676 Ermita, Maynila.

Nasamsam sa mga suspek ang 11 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P74,800,000 at buybust money.

Sinabi ni Matta na ang mga suspek kabilang sa isang sindikato na pinatatakbo ng mga Chinese National na nag-o-operate sa Bansa.

Isinaad ni Matta na posibleng magkakaugnay o iisang  grupo ng sindakato na mga suspek at mga mga Chinese National na nadakip sa mga magkakasunod sa isinagawang buy bust operation Pasay City at Paranaque City  nitong nakaraan araw.

Dinala ang mga suspek sa SOU NCRO, PNP DEG habang sumasa-ilalim sa imbestigasyon at ang mga nasamsam na droga dinala sa   Manila Police Disitirct Forensic Unit para sa laboratory examination.



Nahaharap ang dalawang nadakip na mga suspek sa paglabag sa RA 9165. (Mark Obleada/Jocelyn Domenden)